Winawasak na ang parte ng tanyag na ‘Bahay ni Kuya’ na naging tahanan ng mga contestant sa ‘Pinoy Big Brother’.

Sa Instagram post ni Direk Laurenti Dyogi, bumisita siya sa ‘Bahay ni Kuya’, na malapit sa gusali ng ABS-CBN.

Aniya, hindi na nila ire-renew ang renta para sa bahagi ng ‘Bahay ni Kuya’ dahil ‘impratical’ na raw ito.

“We needed to give up this part of the PBBhouse as our lease has expired this year and it is impractical to renew it,” sambit ni Dyogi.

Ngunit paliwanag niya, ang main na PBB house ay buo pa rin naman at tinitingnan kung pwede pang magamit sa susunod na edition ng reality show.

Ang tinawag niyang ‘House B’ na ginigiba ay nagsilbing opisina, pantry, dressing room, mini studio at living quarters.

“This part of the house has lots of good memories and even scary experiences,” lahad ni Dyogi.

https://ift.tt/kyG3lo8

Wika pa niyam sana ay makahanap sila ng mas magandang tahanan para sa mga future PBB edition.

Ilan sa pinasikat na artista ng PBB ay sina Sam Milby, Kim Chiu, Gerald Anderson, Robi Domingo, Joshua Garcia at Loisa Andalio. (RP)

The post ‘Bahay ni Kuya’ sa PBB, ginigiba na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT