Hindi na ‘super typhoon’ ang category ng bagyong Betty matapos itong humina habang nasa Philippine Sea.

May lakas na 175 kilometer per hour ang bagyo, na may pagbugso na umaabot sa 215 km/h.

Sa kabila ng paghina nito ay may ilang lugar pa rin na nasa ilalim ng Tropical Storm Wind Signal No. 1.

Ito ay ang Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Island, Isabela, Apayao, Ilocos Norte, northern at central portion ng Abra ((Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Danglas, La Paz, Dolores, Tayum, Bucay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney), Kalinga, eastern at central portion ng Mountain Province (Sadanga, Barlig, Natonin, Paracelis, Bontoc), eastern at central portion ng Ifugao (Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut, Kiangan, Asipulo), northern at central portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), at Quirino at northeastern portion ng Nueva Vizcaya.

Huling namataan ang bagyo 815 kilometro sa silangan ng Northern Luzon.

The post ‘Betty’ humina na, Signal No. 1 nakataas pa rin sa 12 lugar first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT