Inaasahang madadagdagan ang oportunidad ng Pilipinas sa pamumuhunan matapos mangako si United States President Joe Biden na magpapadala ng kakaibang presidential trade at investment mission sa Pilipinas.

Sa ginanap na bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at President Biden, sinabi ng US President na magpapadala ito ng “one of a kind” trade mission bilang patunay ng matatag na partnership at malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Batay sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), maraming isyu ang tinalakay sa bilateral meeting ng dalawang lider hindi lamang sa aspeto ng kalakalan at pamumuhunan kundi kasama na ang mga mahahalagang usapin gaya ng climate change, demokrasya at iba pa.

“We’re tackling climate change , and we’re standing up for our democratic values and worker’s rights, and together we’re deepening our economic cooperation,” saad ni Biden.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos Jr. si Biden sa tulong na ibinibigay ng Amerika sa Pilipinas at tiniyak ang mas matatag ba alyansa at partnership sa larangan ng ekonomiya pagkatapos ng epekto ng pandemya.

Ayon sa PCO, kabilang sa napag-usapan nina Pangulong Marcos Jr. at President Biden ay may kinalaman sa seguridad, edukasyon at iba pang mga inisyatiba na bahagi ng limang araw na official visit sa Washington D.C. (Aileen Taliping)

The post Biden magpapadala ng presidential trade, investment mission sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT