Ngayong idineklara na ng World Health Organization na tapos na ang COVID-19 global health emergency, dapat ilantad na ng gobyerno ang totoong ginastos sa pagbili ng bakuna laban dito, ayon kay Senador Francis Escudero.
At ang dapat umanong tapusin, ani Escudero, ay papanagutin ang mga taong nasa likod ng maling paggamit ng pondo sa nagdaang pandemya kabilang ang pagbili ng overpriced na medical supplies tulad ng face masks.
“We owe it to our medical frontliners who were among our 66,444 Covid dead to make those who robbed the nation blind while people were dying to pay for their crimes,“ sabi ni Escudero.
Inilarawan pa ng senador ang Pharmally scandal na “financial treason done by a few while brave doctors were putting their lives on the line.”
“Covid should not be replaced by a disease called amnesia, where bad things done are forgotten because the pandemic war is over, “ ani Escudero.
Habang papalapit na ang bansa sa pagiging normal, naniniwala ang senador na panahon na rin para i-declassify ang lahat ng financial data patungkol sa pagbili ng Covid-19 vaccine.
“Hindi ko sinasabi na may mali o anomalya. Ang gusto lang natin ay sa ngalan ng transparency magkaroon ng malinaw na kwenta kung magkano nga talaga ang ginastos, “ sabi ng senador.
Ayon pa kay Escudero, kung purchase price ay mas mababa sa global rate, dapat umanong parangalan ito at bigyan ng medalya.
“If we penalize an ordinary government worker for failing to liquidate his local travel expenses then why should billions in vaccine purchases be exempt from that accountability?” ani Escudero.
Aniya, kung mailalantad ng gobyerno kung sino nagsagawa ng procurement, matatapos na rin ang paghuhula kung magkano ba talaga ang halagang ginamit sa pagbili ng nasabing bakuna.
“Iba iba ang numero na lumalabas. May report na P300 billion at meron naman inamin sa floor ng Senate na P145 billion,” ayon kay Escudero.
Dagdag pa niya, hindi naman puwedeng itago na lang ng pamahalaan ng matagal ang “non-disclosure agreement” o NDA ng nilagdaan nito sa vaccine manufacturers.
“We owe this honesty to our children who will spend much of their adult years paying for the billions of the loans we took out to buy those vaccines, “ sabi pa ng senadora. (Dindo Matining)
The post Chiz: Ginastos sa pagbili ng COVID-19 vaccine, huwag ilihim first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento