Ipinasara ng Clark Development Corporation (CDC) ang dalawang kumpanya dahil sa paglabag sa umano’y human trafficking.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang mga ipinasarang kumpanya na inisyuhan ng cease and desist order ng korte ay ang Sun Valley Clark Hub Corporation (SVCHC) at CGC Technologies .
Sinalakay ng mga awtoridad noong May 5, 2023 ang nabanggit na mga kumpanya batay sa court order na inilabas ng korte dahil sa umano’y paglabag sa Expanded Anti-Trafficking of Persons Act of 2021 at Cybercrime Prevention Act of 2021 na nagresulta sa pagkasaklolo sa 1,163 na katao.
Hinihinalang ang mga nailigtas ay biktima ng umano’y human trafficking.
Pinagpapaliwanag ng CDC ang Dongwang Corporation na siyang nagpaupa sa lugar kung bakit pinayagan ang operasyon ng dalawang kumpanya.
Binigyang-diin ng CDC na hindi nila kinukunsinti ang anumang illegal na gawain at mga paglabag sa lease agreements ng lahat ng mga nagnenegosyo sa Clark Freeport and Special Economic Zone. (Aileen Taliping)
The post Dalawang kumpanya sa Clark ipinasara, mahigit 1K katao nailigtas first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento