Hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa Philippine Ports Authority (PPA) na ipaubaya sa Provincial Government of Sorsogon (PGU Sorsogon) ang Sorsogon RoRo Terminal Expansion Project o Matnog Expansion Project.

Ang Matnog Expansion Project ay pinondohan sa General Appropriations Act 2022 na nagkakahalaga ng P550 milyon.

Sumulat si Transportation Undersecretary Elmer Francisco Sarmiento kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago upang ipaalam dito ang pagkansela nila sa pinasok na Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang PPA para sa naturang proyekto na napanalisa noong Marso 24, 2023.

Dahil dito, hiniling nila sa PPA na gumawa ng panibagong MOA pabor sa PGU Sorsogon.

Ito’y matapos makipag-ugnayan si Sorsogon Governor Jose Edwin Hamor kay Transportation Secretary Jaime Bautista para sa intensyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon na isagawa ang proyekto at nangakong maghahatid ng mas magandang saklaw nito.

Pagkatapos ng pag-uusap, napagdesisyunan ng DOTr na ang pagpapatupad ng proyekto ay pinakamahusay na isagawa ng PGU Sorsogon dahil sa kanilang pamilyaridad at exposure sa mga local need at concern.

“With this, the Department expresses its decision to have the subject MOA with PPA rescinded for the creation of a new one in favor of PGU Sorsogon. The Departments hope for your concurrence to and favorable response on the said decision,” saad pa sa sulat ni Sarmiento. (IS)

The post DOTr hiniling sa PPA na ipaubaya sa Sorsogon PGU ang Matnog Port Expansion Project first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT