Dismayado sina Senadora Grace Poe at Senador Jinggoy Estrada sa nangyaring brownout sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 kung saan maraming flights ng nakansela Lunes ng umaga.

“Hindi katanggap-tanggap na tuwing may brownout, maaantala ang buong sistema ng airport at ang byahe ng publiko. Parang di natututo ang DOTr at NAIA sa mga nauna nitong kapalpakan,” sabi ni Poe, chair ng Senate committee on public services sa isang statement.

“The incident shows another disruptive failure of the airport systems causing grave inconvenience to travelers. The lack of functioning air conditioners in several parts of the airport is not only troublesome but could even be precarious to health especially of the elderly,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Estrada, maiiwasan aniya ang power outage kung pinaghandaan ng DOTr at NAIA ang mainipis na suplay ng kuryente ngayong summer season kung saan mataas ang demand sa suplay nito.

“Hindi pa ba tayo nadala? To the concerned aviation and transportation officials, have you had not enough yet?”ani Estrada.

“We’ve been in this situation last New Year’s Day and it was even worse. This power outage could have been avoided if the necessary measures are already in place, at least in having an interruptible power supply considering the thinning of power supply this summer season and when demand usually peaks,” dagdag niya.

Sabi ni Estrada, nakasaad sa Senate Committee Report No. 39, na ang kawalan ang system backup at kakulangan ng maintenance sa airport equipment ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng airport shutdown noong Enero 1.

“Sa pangalawang pagkakataon ngayong taon, nataon na holiday ang ganitong pangyayari, kung kailan dagsa ang mga pasahero sa mga paliparan. Panawagan sa ating mga concerned agencies: Maawa naman po kayo sa ating mga kababayan,” ani Estrada.

“Suklian naman natin ng nararapat na serbisyo ang mga binabayad nilang buwis,” sambit pa niya. (Dindo Matining)

The post DOTr, NAIA hindi na natuto sa kapalpakan – Poe, Jinggoy first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT