Pinuri ni dating Senate President Franklin M. Drilon ang maayos na foreign policy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. subalit pinuna nito ang mahinang programa para sa agrikultura, kalusugan at edukasyon.
“The Marcos administration has some strong points. I fully support his foreign policy. Let’s call a spade a spade. The steps taken by President Marcos certainly pursue our claim over the West Philippine Sea in the right manner,” sabi ni Drilon sa panayam sa telebisyon.
“President Marcos is competently handling the foreign policy issue and I am glad that we have a career foreign affairs secretary in the person of Secretary Enrique Manalo.
“The President is taking advantage of our alliances especially with the United States in order to shore up our claims in the West Philippine Sea,” dagdag pa niya.
Subalit pinuna naman ni Drilon na may mga lugar na dapat pang ayusin ang administrasyon ni Marcos lalo sa usapin ng agrikultura, kalusugan at edukasyon.
“These are three areas where some expectations were not met,” wika ni Drilon.
Panahon na rin aniya para magtalaga si Marcos na permanenteng kalihim para sa mga kritikal na departamento kagaya ng Department of Health at Department of Agriculture.
Aniya, ang kawalan ng full-fledged secretary ay may epekto sa abilidad ng mga kagawarang ito para punan ang kanilang mandato at magreresulta sa pagka-antala sa decision making at hadlang sa pagigng epektado ng nasabing mga departamento.
“I think the ability of the Marcos administration to appoint highly qualified secretaries swiftly is paramount to ensuring the smooth operation of the government and the effective delivery of services to the people,” saad ni Drilon. (Dindo Matining)
The post Drilon: Foreign policy ni PBBM OK, programa sa agri, health, education ‘di sapat first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento