Itutulak umano ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang panukala upang magkaroon ng mas maraming oportunidad ang mga persons with disabilities (PWD) at senior citizens.
“I’m keen on filing a lot of bills, I have 120 right now lined up. Half of it, centered toward poverty alleviation and helping the poor,” sabi ni Tulfo sa isang panayam.
Nang tanungin kung anong partikular na panukala sinabi ni Tulfo na “Unang-una sa lahat to require private companies, corporation to hire at least five percent of their manpower coming from the PWD sector and senior citizen.”
“I learn when I was with DSWD they were complaining yung mga PWDS at senior citizens able naman kami secretary baka pwede na mabigyan kami ng opportunity ma-hire,” dagdag pa ni Tulfo.
Sinabi ni Tulfo na lima hanggang 10% umano ng mga empleyado sa mga ahensya ng gobyerno ay dapat galing sa sektor ng PWD at senior citizens.
Inihalimbawa ni Tulfo ang isang pipi’t bingi na nagtitinda sa Quezon City at isang lalaki na walang paa na operator ng elevator sa Makati City.
“They are so depressed… ayaw naman daw nila ng dole out so we should give them a chance to work,” dagdag pa ni Tulfo.
Si Tulfo ang ikatlong nominee ng ACT-CIS party-list at nanumpa sa puwesto noong Martes.
Opisyal umanong manunungkulan si Tulfo kapag nagpadala na ang Commission on Elections (Comelec) ng certificate of nomination sa Kamara. (Billy Begas)
The post Erwin Tulfo isusulong trabaho para sa mga PWD, senior citizen first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento