Pumasok sa loob ng isang branch ng 7-Eleven sa Parañaque ang isang SUV nitong Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Facebook post ng Moonwalk Fire Rescue Brigade, nirespondehan ang insidente sa convenience store kung saan sumalpok ang isang kotse.

Base sa isang viral Tiktok video, 15 anyos daw ang nagmamaneho ng SUV.

Ilang crew at security guard ng 7-Eleven ang nagtamo ng sugat sa naturang insidente.

The post Ginawang drive thru! SUV sumalpok sa 7-Eleven first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT