Ibinunyag ni Senadora Risa Hontiveros na isang licensed Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang ginagamit bilang legal cover para sa cryptocurrency scam at human trafficking operation sa Sun Valley Hub Corporation sa Clark, Pampanga.

Ang scam ay inooperate ng isang kumpanya na tinawag na Colorful nd Leaf Group, na sublessee ng GCC Technologies, Inc., isang kumpanya ng POGO na lisensiyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Kinumpirma ng Inter-Agency Council Against Trafficking sa pagdinig ng Senate Committee on Women nitong Martes.

“It is appalling that this fraudulent cryptocurrency corporation, which has trafficked thousands of foreign nationals into the country to work as scammers, has been operating under a legal POGO. Ginagamit o nagpapagamit ang mga POGO para manloko ng mga inosenteng tao,” sabi ni Hontiveros.

“Ano ang ginagawa ng PAGCOR? Hindi naman pwede na pag-nagapruba sila, hindi na nila babantayan. PAGCOR, as the regulator of POGOs, should be actively looking into the companies that they allow to operate in the country. Otherwise, it is, in effect, exacerbating this growing and disturbing humanitarian crisis in our region,” dagdag niya.

Sinakalakay ng mga awtoridad ang nasabing lugar noong Mayo 4 na nagresulta nsa pagkadakip ng 12 indibidwal, na siyang namamahala sa naturang operasyon.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapauwi ng higit 1,000 human trafficking victim-survivors mula sa Indonesia, Vietnam, China, Myanmar, Thailand, at Bhutan, at iba pa.

Noong Luenes, nasagawa ng ocular inspection si Hontiveros sa Colorful and Leap kung saan nakasalamuho niya ang mga biktika na nagbahagi ng kanilang karanasan na luamalabas na kapareho sa love scam modus sa Myanmar at Cambodia na dating nang ibinuyag ng senadora.

“The scam office, led by Chinese bosses, operates like a huge call center, with rows and rows of computer tables. This was where the victim-survivors would set up their fake accounts using different female models also hired by the company. They would then find scam victims usually from the US, through dating apps like Tinder, Facebook Dating, Bumble, and Hinge,” paliwanag ni Hontiveros.

“The offices even have video conference rooms that are set up to look like a bedroom, a living room, a gym, or an office, so the hired model can pretend to be there should the American victim ask for photos or videos to confirm her veracity.

Kapag sa tingin nila na-iinlove na ang Amerikano, doon na magsisimulang kumbinsihin niyang mag-invest sa pekeng cryptocurrency platform. Hanep sa panggagantso,” dagdag pa niya.

Ang scheme na ito ay katulad din sa operasyon ng Bayfor NAIA Residences sa Pasay City na siyang ring kuta ng crypto scams.

“Laganap pa rin sa social media, lalo na sa Facebook, ang mga job ads na papuntang Bayport Residences. Napatotohanan na ng ating dating Indonesian witness na si Ridwan na scam ang kalakaran sa loob niyan. I hope our law enforcers conduct a raid and rescue in that area as soon as possible,” sambit pa ni Honitveros.

“If POGOs are allowed to continue business as usual, the crypto scam and human trafficking operations will also grow at a frightening rate our government will never be able to overtake. Walang ni isang magandang bagay ang naibigay ang POGO sa bansa. Krimen lang ang dala. Paulit-ulit na natin itong sinasabi, at sana naman sa bagong impormasyong ito, matauhan na ang ating gubyerno. Kick POGOs out of the country now,” pagtatapos niya. (Dindo Matining)

The post Hontiveros: Cryptocurrency scammers nagkukubli sa POGO first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT