Ginulat ang Isabela ng magnitude 5.3 na lindol, ito ay ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Unang naitala ang lakas ng lindol na magnitude 5.1 ngunit itinaas din ito sa magnitude 5.3.

Nangyari ang lindol nitong Linggo sa Maconacon, Isabela, 7:36 p.m.

Naranasan din ang nasabing lindol sa Ilocos at Cagayan Valley region.

Intensity V – Enrile, Cagayan

Intensity IV – Tuguegarao City, Cagayan

Intensity III – Solana, Allacapan, Lasam, Gonzaga at Gattaran sa Cagayan

Intensity II – Cabagan, Cauayan, Delfin Albano, Ilagan, Jones, Ramon at San Pablo sa Isabela

Intensity I – Sinait, Ilocos Sur; Dinapigue, Isabela at Pagudpud, Ilocos Norte.

Samantala, suspendido naman ang klase sa Enrile, Cagayan ngayong Lunes, Mayo 8.

(CS)

The post Isabela inuga ng magnitude 5.3 na lindol first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT