Hindi kumbinsido ang abogado ng MalacaƱang na tinorture ang mga pangunahing suspek sa pagpatay kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo kaya binawi ang kanilang testimonya sa korte.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi kapani-paniwala ang alibi ng limang pangunahing suspek sa Degamo slay case na tinorture ang mga ito ng mga pulis kaya napilitang umamin at idiin si Congresman Arnolfo Teves Jr. bilang mastermind sa krimen.

Dapat aniyang isailalim sa lie detector test ang mga suspect para malaman kung nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo ang mga ito.

Sinabi ni Enrile na kahit pa binawi ng mga akusado ang kanilang testimonya, malalaman sa cross examination kapag nagsimula na ang bista sa kaso kung totoo o hindi ang sinasabi ng mga ito.

“The thing speaks for itself. Unbelievable naman yan. Magte-testify ka tapos babawiin mo. Lalabas sa cross examination yan kung totoo o hindi yung sinasabi mo eh. Bakit hindi nila i-subject sa lie detector ang mga yan?” ani Enrile.

Nagtataka ang kalihim kung paano tinorture umano ang limang suspects sa pagpatay sa gobernador dahil tiyak na may video habang iniimbestigahan ang mga ito o habang kinukunan ng salaysay.

“Anong klaseng torture? Water cure, electrocution, beating, bugbog, tinuli? My God, imposible naman niyan. Napakahina naman ng mga pulis na nag-imbestiga. Incredible lahat sila. Pinaniwalaan naman kaya nung piskal?” dagdag ni Enrile.

Matatandaang lima na sa mga suspek sa Degamo slay case ang binawi ang kanilang testimonya at iginiit na hindi sila magkakakilala at tinorture umano sila para umamin sa krimen. (Aileen Taliping)

See related stories:

Enrile nanggigil sa ‘Sibuyas Queen’: Tanggalan ng lisensiya sa lahat ng negosyo

Enrile: Sa umuugong na kudeta, PBBM, VP Sara iniintriga!

Enrile aprub sa pagkansela sa pasaporte ni Teves

The post Isalang sa lie detector! Enrile duda sa mga biglang bawi na suspek sa Degamo murder first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT