Hindi lahat ng opisyal sa gobyerno ay mga santo.
Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile kasunod ng inaasahang reorganisasyon ng gabinete.
Ayon kay Enrile, marami sa kaniyang mga kasamahan sa gabinete ay magagaling subalit may iilan-ilan aniya na gumagawa ng kalokohan.
Gayunman, hindi nagbigay ng dagdag na detalye ang kalihim kung anong klaseng kalokohan ang ginawa ng iilang opisyal ng gobyerno.
Sinabi ni Enrile na malapit na ang balasahan sa kanilang hanay kaya hintayin na lamang ang mga pagbabago sa mga opisyal ng gobyerno.
“Wala pa naman akong naririnig na mga gumagawa ng kalokohan except a few, hindi naman lahat Santo sa amin pero malapit na ang balasahan eh,” sambit ni Enrile.
Marami aniyang nagtatanong sa kaniya kung sino-sino ang mga mababalasa sa gabinete subalit tumanggi itong magkomento sa isyu.
Natapos na ang one year election ban sa mga natalong kandidato noong May 2022 elections at ipinahiwatig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng reorganisasyon sa kaniyang gabinete bago matapos ang taon. (Aileen Taliping)
The post JPE: May ilang gumagawa ng kalokohan sa gobyerno first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento