Prayoridad umano ng Kamara de Representantes na matapos ang mga panukalang batas na kailangan ng administrasyong Marcos para matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nagsabi na hindi maaaring magambala ang Kamara sa paghahanap ng solusyon sa mga problema ng bansa.
“The House of the People is in order. This same level of order is what allowed us to approve on third and final reading at least 29 of the 42 bills that comprise the legislative agenda of President Ferdinand Marcos, Jr.,” sabi ni Romualdez.
“There is still much work to do, so occasional moves to destabilize the House should be nipped in the bud,” dagdag pa nito.
Ayon kay Romualdez nais ng Kamara na tutukan ng atensyon ang problema sa suplay at mataas na presyo ng kuryente, telekomunikasyon at mataas na presyo ng bilihin.
“Ang mga tunay na problema ng karaniwang Pilipino ang dapat nating unahin, ang dapat nating paglaanan ng atensiyon. Isantabi na po ang pamumulitika na wala sa tamang panahon. Kung mas mapagtutuunan natin nang mas maraming oras ang paghahanap ng solusyon sa mga tunay na suliranin ng karaniwang Pilipino, sama-sama tayong babangon muli,” sabi pa ng lider ng Kamara. (Billy Begas)
The post Kamara uunahin priority measure ng Marcos admin first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento