Hiniling ng Pastor Jerome Nalam, dating aide ni Negros Oriental governor Henry Pryde Teves sa Senado na magsagawa ng lifestyle check laban kina Siaton Mayor Cezanne Fritz Diaz at Pamplona Mayor Janice Degamo, ang asawa ng napaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa ikalimang pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, tinanggap naman ni Mayor Janice at Mayor Diaz ang hamon ni Nalam subalit hiniling din nila sa komite na isailalim sa lifestyle check at tingnan ang bank account nina Rhilrose Antoneitte Torres, dating staff ng gobernador at Gaspar Torres.

Kumasa naman si Rhilrose sa hiling na lifestyle check ni Mayor Janice. Inakusahan ni Rhilrose ang mga Degamos nang hindi maipaliwanag na yaman at siyang rumatrat sa kanilang tahanan.

Sinabi naman ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng komite na tanging ang Ombudsman lang ang maaring magsagawa ng lifestyle check kina Diaz at Degamo.

Dagdag pa niya, ang National Bureau of Investigation (NBI) o ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang maaaring magsagawa ng lifestyle check kay Nalam at sa mga Torres. (Dindo Matining)

The post Kampo ng mga Teves, Degamo kumasa sa lifestyle check first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT