Isang panukala ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong patawan ng parusang pagkakakulong ang mga indibidwal na magbebenta ng bocha o karne ng patay o may sakit na hayop.
Aamyendahan ng House Bill 7655, na akda ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Meat Inspection Code of the Philippines (Republic Act 9296).
Ayon kay Rodriguez, masyadong mababa ang kasalukuyang parusa sa mga nagbebenta ng bocha na kumpiskasyon lamang at multa.
“This practice has now become prevalent in the country especially in Metro Manila which is very unfortunate because this jeopardizes both consumers and producers, by endangering health and disturbing market stability. Double-dead meat contains germs and micro-organisms that could cause illness like diarrhea and food poisoning,” sabi ni Rodriguez sa explanatory note ng panukala.
Sa ilalim ng panukala, ang parusa ay gagawing isa hanggang dalawang taong pagkakakulong at multa na P50,000 hanggang P500,000.
Kung ang lumabag ay isang kumpanya, ang parusa ay ipapataw sa pangulo, chairperson, chief executive officer o top officer ng kumpanya.
Otomatiko ring kakanselahin ang lisensya o permit sa pagnenegosyo ng lumabag. (Billy Begas)
The post Kulong sa magbebenta ng bocha itinulak sa Kamara first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento