Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang oil spill matapos na lumubog ang isang barko sa Mariveles, Bataan.
Sa pahayag ng PCG, sinabi na bandang alas-5:21 ng madaling-araw noong lumubog ang MV Hong Hai.
Dahil sa paglubog ay nakita ng PCG na abot sa 30 hanggang 50 litro ng langis ang tumagas.
“Personnel of the PCG Station Bataan and Marine Environmental Protection Unit (MEPU) assisted in installing oil spill booms and absorbent bags and observed no additional traces of an oil spill in the vicinity water,” ayon sa pahayag ng PCG.
Matatandaan na ang naturang vessel ay ang tumaob matapos ang banggaan sa MT Petite Soeur sa karagatan malapit sa isla ng Corregidor.
Dalawang Chinese at isang Pinoy ang nasawi sa insidente. (RP)
The post Langis tumagas sa barkong bumangga – PCG first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento