Nasawi ang isang 65 taong gulang na lola sa Sitio Core Housing, Brgy. Bagong Bayan, Mauban, Quezon nitong Biyernes matapos aksidenteng malunod sa palangganang puno ng tubig.
Kinilala ang biktima na si Lerma Ambon, natagpuan na lang umano ito ng kaniyang kapatid na nakahandusay sa lupa at nakalubog na ang ulo nito sa palangganang puno ng tubig.
Ayon sa mga awtoridad, wala naman umanong foul play sa pangyayari at posibleng inatake ang biktima ng kaniyang sakit.
Ang biktima kasi umano ay mayroong epilepsy, ayon sa mga kaanak ng biktima.
Nasa Municipal Health Office naman na ang bangkay ng biktima para sumailalim sa autopsy.
(CS)
The post Lola dedo matapos aksidenteng malunod sa palangganang puno ng tubig first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento