Nagbitiw sa pwesto si Land Transportation Office (LTO) Chief Atty. Jose Art Tugade.

Sa inilabas na pahayag ni Tugade sa MalacaƱang, bababa siya sa pwesto upang magkaroon ng laya si Department of Transportation Secretary Jimmy Bautista na pumili ng taong inaakala nitong makakatrabaho nito para sa ahensya.

May sundot ang pahayag ni Tugade sa kaniyang official statement na bagama’t pareho ang layunin ng LTO at DOTr na pagsilbihan ang publiko, magkaiba aniya paraan ng dalawang ahensya para matupad ito.

“Even as DOTr and LTO both aim to succeed in serving the public, our methods to achieve that success differ. For this reason, I am stepping down, so Sec. Jimmy Bautista will have the free hand to choose who he can work best,” saad ni Tugade.

Tiniyak naman ng nagbitiw na opisyal na tutulong pa rin siya sa LTO kahit pribadong mamamayan na siya para magtagumpay ang adhikain ng ahensya para sa mga Pilipino.

“I will continue to root for the LTO’s success even as private citizen, because I will always share Sec. Bautista’s belief that our offices can be a formidable force for good in our country,” dagdag ni Tugade.

Matatandaang umani ng batikos ang LTO dahil sa isyu ng kakulangan ng plastic cards para sa driver’s license na hindi umano nagawan ng paraan kaya ang mamamayan ang naperwisyo sa halip na makatanggap ng magandang serbisyo sa gobyerno. (Aileen Taliping)

The post LTO Chief Tugade nagbitiw na sa pwesto first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT