Para kay Senadora Imee Marcos, hindi dapat minamadali ang pagtalakay at pag-apruba sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Ayon kay Marcos, sakali mang minamadali ang panukalang sovereign wealth fund, hindi siya papaya dahim malaking pera ang pinag-uusapan dito..

“Ako, kung saka-sakaling minamadali, hindi ako papayag, kasi malaking pera yan. Mababaon ang ating mga anak. At hindi dapat minamadali yung ganyan,” sabi ni Marcos sa panayam ng mga reporter.

“Kung makumpleto yung lahat ng papeles, hindi na minamadali yung kasi nasagot na lahat. Pero kung bitin pa, dapat isa-isahin,” dagdag pa niya.

Sabi pa ng senadora, maging siya ay naguguluhan din sa panukala dahil tambak pa rin ang mga tanong at may mga ipinapasok pang amendments ang Department of Finance (DOF).

“Ngayon, napapansin ko, paiba-iba yung mga amendment, Miski yung mga amendment galing sa DOF hindi pa raw tapos. Kaya nagkakalituhan kami, nasaan na yung final form?” tanong pa ni Marcos.

Ayon pa kay Marcos, hihintayin niya ang pinal na kopya ng panukalang MIF saka siya magdedesisyon kung ano ang magiging boto para rito.

Gusto rin niyang malinawan kung ano ang “source of funds” at purpose o paglalaanan ng pondo ng Maharlika dahil kung titingnan ay wala namang sobrang pondo ang gobyerno at sa halip puro utang pa nga ang bansa. (Dindo Matining)

The post Maharlika Fund bill hindi dapat minamadali – Imee first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT