Nilamon ng sunog ang Manila Central Post Office, nagsimula umano ang sunog Linggo ng gabi, 11:41 pm. Ayon sa Bureau of Fire and Protection (BFP), umabot na ang sunog sa second alarm noong 12:28 am.

Umakyat pa ito sa third alarm bandang 2:17 am, fourth alarm bandang 4:28 am at fifth alarm bandang 4:32 am.

Lumakas pa ang sunog at bandang 5:54 am ay inakyat na ito sa pinakamataas na fire alarm level, ang general alarm.

Tinatayang nasa 24 na fire trucks ang rumesponde sa nasabing lugar.

(CS)

The post Manila Central Post Office nilamon ng sunog first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT