Bukod sa pagtuturo ng mga aralin, dapat din umanong turuan ang mga estudyante na magmalasakit sa iba.
Sa isinagawang Regional Research and Development Coordinating Council meeting ng Bicol Consortium for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (BCAARRD), sinabi ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee na mahalagang matulungan ang mga estudyante sa pagbuo ng kanilang prinsipyo at mindset.
“As educators, it is upon you to make meaningful change happen. You have to produce graduates who not only have the brains to build a better world but also the hearts to give back to the poor. The future we want to create is not just a more intelligent, advanced world but, more importantly, a more caring, sharing community,” sabi ni Lee.
Binigyan-diin ni Lee ang kahalagahan ng mga educator hindi lamang sa mga estudyante kundi maging sa hinaharap ng bansa.
Sinabi ni Lee na dapat tulungan ang mga magsasaka upang hindi na nila kailanganin pang umasa pa tulong ng gobyerno o sa iba.
“Masaya na tayo at sobra-sobra ang ating pasasalamat kung tayo ay nabibigyan ng konting ayuda. Kulang na lang sambahin natin ang nagbigay sa atin. Hindi ba natin naiisip na ‘yan ay pera natin, ‘yan ay pera ng taumbayan?” sabi ni Lee.
“Dapat na po nating baguhin ang kultura ng ‘pwede na, ok na yan.’ Dapat na nating itaas ang ating standards o scorecard para sa mga nasa pamahalaan,” dagdag pa ng solon.
Sinabi ni Lee na ang susi ng pag-unlad ay ang “ang pagmamalasakit at pinagsamang lakas ng kabataan at mga guro.” (Billy Begas)
The post Mga estudyante turuan ding magmalasakit sa iba – solon first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento