Lumabas sa isang pag-aaral na “below average” ang intelligence quotient (IQ) ng mga Pilipino.
Sa halos 200 bansa sa mundo, rumanggo na pang-111 ang Pilipinas sa average IQ score na 81.64, base sa World Population Review.
100 ang kinokonsiderang average na IQ score.
Nanguna sa may pinakamataas na IQ ang Japan sa 106.48.
Sumunod sa kanila ang Taiwan (106.47), Singapore (105.89), Hong Kong (105.37), China (104.10), South Korea (102.35), Belarus (101.6), Finland (101.20), Liechtenstein (101.07) at Germany (100.74).
Pero 12 bansa lamang ang umabot sa 100 na average IQ score.
Below 100 din ang nakuhang IQ score ng mga sumunod na bansa kabilang na ang Canada (99.52), Australia (99.24), United Kingdom (99.12) at Amerika (97.43).
Bilang reaksiyon, sinabi ng Department of Health na epekto ng mataas na antas ng malnutrisyon sa Pilipinas ang mababang IQ.
Maliban dito, nakakaapekto rin aniya sa IQ ng isang tao ang kinalakihang kalagayan.
“Kapag ang isang bata lumaki sa isang bahay na walang masyadong educational attainment ang kanilang pamilya, nagkakaroon din ng epekto sa quotient ng bata,” ani Health OIC Maria Rosario Vergeire. (IS)
The post Mga Pinoy, ‘below average’ ang IQ – report first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento