Nang-urot ang suspendidong Negros Oriental congressman na si Arnie Teves matapos malamang may magaganap daw na raid sa kanyang mga property.

Sa video na pinost ni Teves sa Facebook, sinabi nito na may ikinasa raw na raid sa kanyang bahay sa Quezon City at ilan pang property sa Metro Manila.

“Ire-raid na naman daw nila ang aking mga probidad. Ngayon sa Manila naman sila magre-raid, sa bahay ko sa QC at ‘yung iba pa naming probidad,” lahad ni Teves.

Inasar pa ni Teves ang mga magsasagawa daw ng raid sa kanyang bahay.

“Sa mga magre-raid, sana may makuha na naman kayo. Galingan niyo pagtatanim ah para mag-apply na kayo sa Department of Agriculture para huwag na tayo mag-import,” wika ng suspendidong mambabatas.

https://ift.tt/M6lmESk

Matatandaan na noong Abril ay pinasok ng mga awtoridad ang ilang property na nakapangalan kay Teves. Sa naturang raid ay nakuha ang ilang baril at bala, pati ang ilang milyong cash. (RP)

META: Nang-urot ang suspendidong Negros Oriental congressman na si Arnie Teves matapos malamang may magaganap daw na raid sa kanyang mga property.

SEO TITLE: Arnie Teves Natunugan Raid sa QC

KW: Arnie Teves

The post Nang-asar pa! Arnie Teves natunugan raid sa QC first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT