Malaki na ang naiambag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagpapalawak ng power transmission network sa bansa mula nang makuha nila ang operasyon sa gobyerno taong 2009.
Umabot na sa P300 bilyon ang naipasok ng NGCP sa pagpapaganda sa noo’y lumang transmission grid ng gobyerno.
Mula 2009 hanggang 2022, 56 na proyekto na ang nakumpleto ng NGCP na sumasalamin sa dedikasyon ng kumpanya na ayusin at palawakin ang power grid sa bansa na masusing plinano ng mga inhinyero nila.
Kabuuang 3,729 circuit-kilometers ng transmission lines, 28 na bagong substation at karagdagang 31,190MVA ng transformer capacity ang na-install sa nakalipas na 14 na taon.
Kabilang sa mga proyektong nakumpleto ng NGCP ang Mariveles-Hermosa 500kV Transmission Line, na nagbigay-daan sa pagpasok ng mahigit 2,500MW mula sa Bataan Peninsula; ang Luzon Voltage Improvement Projects Stages 1, 3 at 4, na nagdagdag ng MVA capacity para mapanatili ang tamang boltahe sa mga linya.
Kasama rin ang San Jose-Quezon 230kV Transmission Line 3 project para sa karagdagang daluyan ng kuryente para sa Metro Manila at ang Pagbilao Extra High Voltage Substation na sumasalo sa mahigit 1,420MW mula sa mga planta sa Quezon province.
Marami ring proyekto ang nakumpleto ng NGCP sa Visayas, isa na rito ang Cebu-Negros-Panay 230kV Backbone Stage 1 gayundin ang Ormoc-Babatngon 138kV Transmission Line, na nagpapatibay ng pagdaloy ng kuryente sa Leyte at Samar; ang Calong Calong-Toledo-Colon-Cebu 138kV Transmission Line, na nagsisilbing N-1 system sa pagitan ng Negros at Panay grid at ang Bohol 138kV Backbone Line, na naging solusyon sa overloading at nagbigay ng mas matibay na transmission network sa Bohol.
Natapos din ng NGCP sa Mindanao ang Maramag-Bunawan 230kV Transmission Line, ang unang 230kV transmission line sa rehiyon; ang Villanueva-Maramag 230kV Transmission Line, na nagdudugtong sa Northern at Southern Mindanao; at ang Aurora-Polanco 138kV Transmission Line, na nakatulong upang mawala ang voltage fluctuations sa Zamboanga del Norte hanggang Misamis Occidental.
Nangyari naman noong Abril 30 ang makasaysayang proyekto na Mindanao-Visayas Interconnection Project na nagdugtong sa Visayas at Mindanao grid.
Samantala, nakatakda ring makumpleto ng NGCP ang iba pang mga proyekto nito ngayong 2023 kabilang na ang mga kritikal na Hermosa-San Jose 500kV Transmission Line Project, Cebu-Negros-Panay Stage 3 Backbone Project, Nabas-Caticlan-Boracay Transmission Line Project at Cebu-Bohol Interconnection Project.
Nakatakda ring simulan ang mga bagong proyektong aprubado ng Energy Regulatory Commission gaya ng Batangas-Mindoro Interconnection Project.
The post NGCP pinalawak ang power transmission sa Pilipinas first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento