Matapos ang ginawang panunulak ni Nikola Jokic sa owner ng Phoenix Suns na si Mat Ishbia noong Game 4, inanunsyo ng NBA na pagmumultahin nila ang big man ng $25,000.

Bagama’t pagmumultahin, nakaiwas naman si Jokic sa suspensyon.

Nangyari ang insidente sa second quarter ng laro kung saan makikitang pilit na kinukuha ni Jokic ang bola sa fans at saktong nandoon sa pwesto si Ishbia. Makikita naman sa gilid na nahawi ito ni Jokic dahilan upang bumagsak ito sa kaniyang upuan.


Ngunit ayon kay Jokic, nauna umano siyang hawakan ni Ishbia.

“The fan put the hand on me first,”

Hindi rin niya umano kilala si Ishbia.

“I thought the league was supposed to protect us. Maybe I am wrong. I know who he is, but he is a fan. Isn’t he?”

Samantala, nakuha naman ng Suns ang panalo upang maitabla ang serye.

Babalik naman na ang laro sa homecourt ng Denver Nuggets. (CS)

The post Nikola Jokic pagmumultahin ng $25,000 ng NBA first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT