Mula sa tatlong taon ay magiging dalawang taon na lamang ang termino ng major service commanders sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 11939 na nag-aamiyenda sa fixed term ng mga ito.

Kabilang sa masasakop ng inamiyendahang batas ay ang termino ng mga pinuno ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Military Superintendent.

Hindi naman sakop ng bagong batas ang tatlong taong termino ng AFP Chief of Staff.

Nakapaloob din sa inamiyendahang batas ang pagdaragdag ng isang taon sa serbisyo ng mga opisyal na may ranggong 2nd Lieutenant o Ensign hanggang Lieutenant General o Vice-admiral at mula edad 56 ay magiging 57 na ang retirement age ng mga nabanggit na ranggo.

Ang inamyendahang batas ay nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. nitong Miyerkules, May 17, 2023. (Aileen Taliping)

The post Pag-amyenda sa fixed term para sa mga pinuno ng major service command ng AFP nilagdaan ni PBBM first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT