Isinusulong ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukala na naglalayong palawakin ang serbisyo ng Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) at hikayatin ang pribadong sektor na sumali sa agricultural insurance.
Sa Senate Bill No. 2117, sinabi ni Go na mahalagang bigyan ng mas maayos na insurance coverage at serbisyo ang mga farmers at matulungang mabawasan ang epekto ng kalamidad sa sektor ng agrikultura.
Itinatag ang PCIC para suportahan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng insurance coverage laban sa mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, baha, tagtuyot, sakit ng mga pananim, at iba pang sakuna.
Subalit ang mga natural na sakuna at kalamidad ay malaki ang epekto sa sektor ng agrikultura sa bansa na nagresulta sa bilyong piso pagkalugi kada taon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula 2010 hanggang 2019, umabot sa P463 bilyon ang pinsalang natamo sa sektor ng agrikultura dahil sa kalamidad at sakuna.
“Agriculture is the backbone of the Philippine economy as it plays a crucial role in guaranteeing food security for the people. The government and other stakeholders need to work together to improve the resilience of the agricultural sector and reduce the impact of natural disasters on farmers and rural communities,” sabi ni Go.
“The expansion of services of the PCIC and the encouragement of private sector participation in agricultural insurance can help farmers manage the risks that are present in agricultural production,” dagdag niya.
Layunin ng panukala ni Go na pagbutihin ang serbisyo ng PCIC sa pamamagitan ng pagbibigay ng coverage sa lahat ng agricultural commodities at kasama na ang non—crop agricultural assets, tulad ng livestock, aquaculture and fishery, agroforestry, at foreign plantations.
Kapag naging batas, aamyendahan nito ang Section 1 at Section 3.11 ng Presidential No. 1467 para bigyan ng insurance ang agricultural commodities, kabilang ang ani ng palay at ibapang
Sa pag-amiyenda ng Section 3.11, sinabi ni Go na papayagan ang PCIC na bumuo ng internal funds sa pamamagitan ng pagpapalawig ng iba pang insurance lines, kabilang ang reinsurance agreements sa agricultural cooperatives, farmers’ associations, at pribadong sektor sa agricultural insurance market. (Dindo Matining)
The post Palawakin crop, agricultural insurance – Bong Go first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento