Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na palawigin ng dalawang taon ang ipinatutupad na tax amnesty.
Ayon sa House Bill 7909, isa sa priority measure ng Kamara, palalawigin ito hanggang sa Hunyo 14, 2025. Si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pangunahing may-akda ng panukala.
Batay sa Republic Act 11569, ang deadline sa paghahain ng aplikasyon para sa tax amnesty ay sa Hunyo 14, 2023.
Saklaw ng panukala ang mga estate o naiwang ari-arian ng mga indibidwal na pumanaw noong o bago ang Disyembre 31, 2021.
Ayon kay Nueva Ecija Rep. Ria Vergara, sponsor ng panukala nasa 133,860 ang nag-avail ng tax amnesty mula 2019. Umabot sa P7.4 bilyon ang kinita ng gobyerno mula rito.
“An extension of the estate tax amnesty program would allow more families to take advantage of the program to collate the properties of decedents, settle their outstanding estate taxes at an affordable 6% flat rate, in turn freeing their assets and giving financial relief to families who are struggling in the wake of the pandemic,” sabi ni Vergara.
Hindi kasama sa saklaw ng ibibigay na amnestiya ang mga estate tax na mayroong kaso o nahatulan na, nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), sangkot sa graft and corruption, money laundering at iba pang krimen sa ilalim ng tax code. (Billy Begas)
The post Panukala na palawigin tax amnesty umusad sa Kamara first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento