Isang technical working group (TWG) ang binuo ng House Committee on Population and Family Relations upang plantsahin ang panukala na maglelegal sa civil partnership ng same sex couple.
Inaprubahan ni Committee chairperson and Isabela Rep. Ian Paul Dy ang mosyon ni BH party-list Rep. Bernadette Herrera na magbuo ng TWG na siyang magsasama sa House Bill 1015 at 6782 sa pagdinig noong Miyerkoles.
Ang HB 1015 ay akda ni Herrera samantalang si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang naghain ng HB 6782.
Sinabi ni Dy na ang mamumuno sa TWG ay si Masbate Rep. Olga Kho.
Layunin ng panukala na kilalanin ang karapatan ng lahat ng Pilipino na magkaroon ng pantay na proteksyon sa ilalim ng mga batas sa pamamagitan ng paglegal sa pagpasok sa civil partnership ng mag-asawa sila man ay magkasing kasarian o hindi. (Billy Begas)
The post Panukalang civil partnership umusad na sa Kamara first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento