Nag-alok si Davao City Rep. Paolo Duterte ng P1 milyong reward para sa sinuman na makakabigay ng impormasyon upang maaresto ang rapist-killer ng isang architect na natagpuan sa isang kanal Davao City noong nakaraang linggo.

“As we, the DavaoeƱos, continue to seek justice for Miss Bragas, we offer P1-million reward to anyone who can tell us the whereabouts of the suspect/s,” sabi ni Duterte.

Nagpahayag din ng pagdadalamhati at pakikiramay si Duterte sa naulila ni Vlanche Marie Bragas.

“Ms. Vlanche Marie Bragas is an ordinary DavaoeƱa who strives hard every day for her future and her family. I together with the Bragas family mourn her death,” dagdag pa ni Duterte.

Ang bangkay ng 28-anyos na biktima ay natagpuan sa isang kanal sa taniman ng saging sa Dacudao noong umaga ng Mayo 17.

Huling nakitang buhay ang biktima sakay ng isang dilaw na electric tri-wheeler sa Fausta sa Calinan. (Billy Begas)

The post Paolo Duterte may P1M pabuya para maaresto rapist-killer ng architect first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT