Aasahan ang mga bagong mukha sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagkatapos ng isang taong election ban.
Sa panayam ng media sa Pangulo habang sakay ng PR 001 patungong Amerika nitong Linggo, sinabi nitong maraming mga magagaling na personalidad na natalo noong 2022 elections ang gustong tumulong kaya titingnan niya kung anong angkop na posisyon para sa mga ito sa gobyerno.
Wala aniyang magaganap na balasahan bagkus ay palalakasin niya ang gabinete sa tulong ng mga kukuning mga personalidad para tumulong sa gobyerno.
“Marami namang magaling na hindi nanalo sa eleksyon na gustong tumulong. So we will certainly look into that in different positions.More or less, for the beginning of… the second year of my term, palagay ko mayroong mga ano. Not a shuffle but we will add people to Cabinet, to strengthen the Cabinet,” saad ng Pangulo.
Tumanggi namang pangalanan ng Presidente kung sino ang mga idadagdag sa kaniyang gabinete dahil kakausapin muna niya ang mga ito.
“They should not hear it naman from the press. They should hear it from me. Kami muna mag-usap,” dagdag ng Pangulo.
Matatapos ngayong Mayo ang 1 year ban para sa mga talunang kandidato na pumasok sa gobyerno at maraming mga pangalan ang maagang lumulutang na posibleng mabigyan ng pwesto sa gobyerno.
Ang iba rito ay kasama sa partido ng Pangulo na hindi pinalad sa pagtakbo sa senado at sa Kamara. (Aileen Taliping)
The post PBBM: Gabinete madadagdagan pagkatapos ng 1 year election ban first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento