Kinilala si Senadora Pia Cayetano bilang isa sa mga recipient sa taong ito ng prestihiyosong World No Tobacco Day (WNTD) awards.
Ang taunang parangal na ito na iginawad ng World Health Organization (WHO) na kumikilala sa mga mahuhusay na indibidwal at organisasyon sa anim na iba’t ibang rehiyon sa buong mundo sa kanilang trabaho sa ‘tobacco regulation and health promotion’.
Kilala sa pagsusulong ng mga panukala sa health at tobacco control, si Cayetano ay nag-iisang Pinoy at individual recipient sa listahan ng awardee ng WHO sa Western Pacific Region.
Ang kapwa awardee ni Cayetano sa rehiyon ay pawang mga ahensiya ng gobyerno, tulad ng Cambodia’s Ministry of Education, Youth and Sport; ang Cultural and Social Committee of the National Assembly ng Lao People’s Democratic Republic, at Vanuatu’s Ministry of Health.
Inihayag ng WHO ang nanalo ng WNTD award bago ang pagdiriwang ng World No Tobacco Day sa Mayo 31. Ang anunsyo ng WHO ay ikinatuwa ng DOH at mga health advocate.
“The [DOH] is pleased to inform everyone that Senator Pia S. Cayetano from the Philippines has recently been acknowledged for her dedicated advocacy in promoting the global campaign against tobacco, known as World No Tobacco,” sabi ng DOH sa kanilang Facebook post.
“The [WHO] grants such acknowledgments worldwide, aiming to eliminate tobacco use and encourage healthier lifestyles across the globe,” dagdag pa doon. (Dindo Matining)
See related stories:
Cayetano: E-governance magiging ‘game-changer’ sa Pilipinas
Cayetano: ‘Wake-up call’ ang sunog sa Manila Post Office
Cayetano: Tugunan kakulangan ng resources para sa K-12
The post Pia Cayetano pinarangalan ng WHO first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento