Dapat umanong pag-isipang mabuti ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang “wish list” para sa 2025 automated elections dahil kalabisan na ito at dagdag gastos lang sa 2025 midterm elections, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.

Ginawa ni Pimentel ang pahayag iprisenta ng Comelec ang listahan ng kanilang expenditures o gagastusin para sa midterm election.

Inilarawan niya ang mga item na na ‘shopping list’ ng Comelec bilang pagsasayang lang ng taxpayers money.

“It will only increase the elections’ price tag which, given our tight fiscal situation, we cannot afford. Let’s avoid unnecessary expenditures and make do with what we have to save on cost,” sabi ni Pimentel sa isang statement.

“The Comelec might want to reconsider its ‘shopping list’ for the 2025 midterm elections on account of our growing budget deficit, tremendous debt burden, and high inflation,” dagdag niya.

Sabi pa ni Pimentel ang bawat piso na nakapaloob sa proposal ng Comelec ay dagdag utang ng gobyerno na sa huli ay taumbayan din umano ang magbabayad.

“It is the time to be practical. We have no need for specialized items such as stamping pens when an ordinary marking pen could work,” the minority leader emphasized,” saad ni Pimentel.

“Magkano ang gagastusin natin dito? Saan kukunin ng Comelec? Sino ang supplier?” tanong pa niya.

Naunang nang iprinisenta ng Comelec ang kanilang wish list para sa gagamiting makina at Automated Election System (AES) na gagamitin sa susunod na national at local elections.

Sabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, plano nilang bumili ng automated counting machine na may features ng Optical Mark Reader (OMR) paper-based AES at may Direct Recording Electronic (DRE) capabilities. (Dindo Matining)

The post Pimentel: ‘Shopping list’ ng Comelec hindi praktikal first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT