Nilinaw ni dating Senador Ping Lacson na hindi siya interesado sa posisyon sa Department of Transportation (DOTr).

Ito ay inihayag ni Lacson sa pamamagitan ng pag-iwan ng komento sa Twitter post ng Politiko. Sinabi pa nito na, “This will not happen”.

“This will not happen:

•The position is not vacant

•I am not interested

Thank you for the nice words.”

Ang post na binigyan ng komento ni Lacson ay tungkol sa mungkahi ni political strategist Malou Tiquia na nararapat umanong maupo sa DOTr si Lacson.

“Talagang sa akin kasi kapag tinitignan ko ang problema ng DOTR, kailangan mo ang katulad ni Sen. Ping. Sa kanya ang public service hindi orasan. May training siya sa military so systems approach. Hindi siya corrupt, ang DOTR is a very problematic agency. Imagining mo kung maayos lang niya, ang problema diyan is sampu maayos lang ni Sen. Ping ang tatlo masaya na ang taumbayan,” ayon kay Tiquia sa panayam sa ‘PolitiSkoop’ ni Michael Fajatin at Ina Andolong.

Nais din ni Tiquia na “ma-tap” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lacson.

“Ang mga natalo may kanya-kanya namang mga ambag pero ang unang-una kong gusto kong sana ma-tap ng Pangulo ay si Sen. Ping Lacson,”

(CS)

The post Ping Lacson hindi interesado sa posisyon sa DOTr first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT