Handa ang Philippine Postal Corporation sa plano ng senado na imbestigahan ang pagkasunog ng Manila Central Post Office.
Sinabi ni Postmaster General at Chief Executive Officer ng PhilPost Luis Carlos sa Laging Handa public briefing na welcome sa kanila ang plano ng senado upang malaman ang katotohanan sa pagkaabo ng Manila Central Post Office at maiwasan ang mga haka-haka.
“I don’t see any reason why an investigation cannot be done para malaman natin ang katotohanan. I think that’s welcome kung investigation ang issue with regards to that,” saad ni Carlos.
Aminado ang opisyal na sa ngayon ay wala silang pondo para muling maibalik ang nasunog na gusali dahil hindi kasama ang Philpost sa pinopondohan ng gobyerno.
Sinabi ni Carlos na hindi pa napag-uusapan kung ano ang gagawin sa nasunog na gusali ng Manila Central Post Office dahil kailangan pa itong tingnan at isa-assess ng mga inhinyero para malaman kung maayos pa ang istruktura.
“Wala pa as of the moment, we’re planning to –an engineer that would handle if the building is maayos pa ang in structure niya, so a structural engineer is needed to do that,” dagdag ni Carlos.
Malungkot namang sinabi ni Carlos na kasamang naabo sa sunog ang philatelic section at stamp museum sa Central post office. (Aileen Taliping)
See Related Stories Here:
MANILA CENTRAL POST OFFICE NASUNOG, NATIONAL IDs APEKTADO!
Manila Central Post Office nilamon ng sunog
The post Planong imbestigasyon ng senado sa pagkasunog ng Manila Central Post Office welcome sa PhilPost first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento