Sa fuel price forecast mula Mayo 30 hanggang Hunyo 5, ayon sa Unioil Petroleum Philippines, posible umanong tumaas ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

Posible itong tumaas mula P1.00 hanggang P1.20 kada litro.

Samantala, ang diesel naman ay walang nakikitang pagtaas sa presyo.

Kadalasang inaanunsyo ng oil companies ang pagbabago sa presyo tuwing Lunes at ipapatupad ito kinabukasan.

(CS)

The post Presyo ng gasolina posibleng tumaas sa susunod na linggo first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT