Kinilala ng Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI), na pinamumunuan ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang maganda umanong pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Kamara de Representantes.
“We commend Speaker Romualdez’s exceptional vision and unwavering dedication to achieving balance and fairness in the work we do. Under his leadership, the House has successfully tackled critical challenges and advanced initiatives that have strengthened our economy and safeguarded the rights and freedoms of all Filipinos,” sabi ni Co sa isang pahayag ngayong Biyernes.
“We firmly support his leadership and look forward to working together to address the urgent needs of our nation,” dagdag pa ni Co, chairperson ng House Committee on Appropriations.
Ang PCFI, na binubuo ng iba’t ibang party-list representative, ay nagpahayag din ng pagnanais na maipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan kay Romualdez upang matugunan ang pangangailangan ng bansa at matiyak na makikinabang dito ang kanilang mga kinakatawan.
Nagsama-sama kamakailan ang mga miyembro ng PCFI upang ipakita ang kanilang suporta kay Romualdez sa gitna ng plano umano na palitan ito.
Nangako naman ang PCFI na patuloy na isusulong ang kanilang misyon para sa pagkakapantay-pantay at pag-unlad. (Billy Begas)
The post Rep. Co: PCFI kinilala magandang pamumuno ni Romualdez first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento