Isang “resounding success” umano ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Amerika, ayon kay House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co.
Habang ang iba ay binibigyan ng pansin ang pangako kaugnay ng seguridad at depensa ng bansa, sinabi ni Co na mahalaga rin ang iba pang pangako na magkakaroon ng malaking epekto sa buhay ng mga Pilipino.
“USAID assistance on water security, food security, disaster infrastructure development, transportation, clean energy, environment protection, scholarships, new leaders development, trade, and investments will all have intense targeted impact where they are needed most,” sabi ni Co.
Pinuri rin ni Co ang pagpapadala ng kauna-unahang Presidential Trade and Investment Mission ni US President Biden sa bansa.
Gayundin ang inaasahang pagdating sa bansa ang dalawang Cyclone-class coastal patrol vessel na bumibiyahe na papunta sa Pilipinas at ang inaasahang pag-apruba ng US Congress ng pagbibigay ng Amerika ng dalawang Island-class patrol vessels, dalawang Protector-class patrol vessels, at tatlong C-130H aircraft bilang bahagi ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines. (Billy Begas)
See More Related Story Here:
$1.3 billion investment pledges, 6,700 na trabaho resulta ng US trip ni PBBM
PBBM nag-alay ng bulaklak sa libingan ng Tomb of the Unknown Soldier sa Arlington, USA
Kamara kumasa sa hamon na tumulong sa pagpapalakas ng PH-US relasyon
The post Rep. Co: Tagumpay ng US trip ni Marcos hindi maikakaila first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento