Itinulak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang panukala na nagpapalawig sa charter ng National Housing Authority (NHA) na mag-e-expire sa 2025.
Sinabi ni Romualdez na mahalaga na maisabatas ang panukala upang maabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang target nito na makapagtayo ng isang milyong bahay kada taon sa loob ng anim na taon.
“It is our commitment to ensure the success of President Marcos’ housing program that would bring a meaningful change and significant impact to the lives of ordinary Filipino people,” sabi ni Romualdez.
Sina Romualdez at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang naghain ng House Bill 8156 na nag-aamyenda sa Presidential Decree 757, ang batas na nagtayo ng NHA.
“The proposal will drive progress and address the need for decent housing of every Filipino family,” sabi ni Romualdez.
Bukod sa pagpapalawig ng Charter, nais ng HB 8156 na palakasin ang ugnayan ng NHA sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor upang matulungan ito sa pagtatayo ng murang pabahay.
Nagpasalamat naman si NHA General Manager Joeben Tai sa pagsuporta nina Romualdez at Rep. Marcos sa pagpapalawig ng Charter ng kanyang ahensya. (Billy Begas)
The post Romualdez: BBM target 1M bahay kada taon, NHA charter palawigin first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento