Nasa ilalim ngayon ng Signal No. 1 ang Isabela at Cagayan dahil sa bagyong ‘Betty’, ito ay ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa 11 am bulletin ng PAGASA, narito ang mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1:
Eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita at Buguey) kabilang na ang Babuyan at Camiguin Islands.
Eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Dinapigue, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo at Cabagan).
Samantala, kamakailan ay nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na iwasan na dumugin ang mga supermarket at palengke para mag-hoard.
Ayon sa DTI, may ilang mapagsamantala na bibili ng mga produkto matapos ay ibebenta ito ng mas mahal matapos ang kalamidad.
(CS)
The post Signal No. 1 itinaas sa Isabela, Cagayan dahil sa bagyong ‘Betty’ first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento