Itinulak sa Kamara de Representantes ang isang panukala na naglalayong bumalangkas ng isang employment program para sa mga indibidwal na dating nakakulong.

Sa panukalang Former Prisoners’ Employment Act (House Bill 1681) na inihain ni Quezon City Rep. PM Vargas, itatayo ang Office of Employment Opportunities for Former Prisoners sa ilalim ng Department of Justice (DOJ) na gagawa ng programa para sa training at trabaho ng mga dating bilanggo.

“Offenders face a variety of challenges after they are released from prison—stigma from having been incarcerated, and discrimination, often in employment due to deprivation in terms of education,’ sabi ni Vargas.

Kalimitan umano na ang nararanasang ito ay nagiging pahirap upang manatili sa pagsunod sa batas ang mga dating bilanggo.

“Prisons and correctional institutions ought to prepare offenders for social reintegration before release. That is the philosophy of a criminal justice system that aims to be more rehabilitative than punitive,” dagdag pa ni Vargas.

Sa ilalim ng panukala, ang mga kompanya na kukuha ng mga empleyado na dating mga bilanggo ay bibigyan ng tax credit. Ang 15% ng sahod at iba pang benepisyo na matatanggap ng kanilang mga empleyado na dating bilanggo ay maaari nilang ibawas sa kanilang taxable gross income. (Billy Begas)

The post Trabaho para sa mga dating preso, tinulak sa Kamara first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT