Kinilala ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga ina na nagsasakripisyo umano para sa kanilang mga anak.
“Everything that mothers do reminds us what it is to be selfless. They ask for so little and yet they give so much,” sabi ni Duterte. “Through them, we are blessed, guided, and supported into a life of care, courage, compassion, and love.”
Ayon kay Duterte ang mga ina ay nagtatanim sa puso ng kanilang mga anak kung papaano mapapabuti ang mundo para sa iba.
Ang sakripisyo at pagmamahal umano ng mga ina, ayon kay Duterte ang humubog sa kanilang mga anak at humihimok sa mga ito na mangarap at abutin ang pangarap na ito.
“We also pay tribute to the countless mothers who have taken the enormous role of being mothers of children outside of their homes,” sabi pa ni Duterte. “We see these mothers outside of our homes — they provide support, care, and guidance to children in our communities.”
Ang Mother’s day, ayon kay Duterte naway magsilbing patunay ng kanilang dakilang gawain na ang layunin ay mapabuti ang kanilang mga anak at tumulong sa mga nangangailangan na siyang bumubuo sa hibla ng lipunang Pilipino. (Billy Begas)
The post VP Sara kinilala sakripisyo ng mga ina first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento