Buking ang ilang fish vendor sa General Santos City Central Public Market na nagsasaboy ng dugo ng baboy sa kanilang paninda para magmukha itong sariwa.
Ayon sa Facebook post ng LGU GenSan, nagreklamo ang General Santos City Market Vendor’s Association hinggil sa ganitong gawain ng ilang vendor.
Kaya naman agad na umaksyon ang Market Inspection Team na pinangunahan ni Mudin Puyat, kung saan nahuli ang apat na stall na may dugo ng baboy.
Sinuspende na ang kanilang operasyon habang pending pa ang desisyon para bawiin ang kontrata ng mga rumerenta sa stall.
Base sa comment ay dismayado ang mga Muslim sa ginawa ng mga fish vendor, lalo’t alam naman na hindi Halal o bawal sa kanilang relihiyon ang pagkain ng dugo ng baboy.
The post Walang respeto sa Muslim! Dugo ng baboy, pinahid sa mga bentang isda first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento