Umaasa si Senate President Juan Miguel Zubiri na i-a-adopt ng Kamara de Representantes ang bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill, kasabay ng pagsabing mas maraming safeguards laban sa korapsyon.
“Hopefully the [H]ouse can adopt our version which we improved with more safeguards in place to avoid possible misuse,” sabi ni Zubiri sa kaniyang text message sa mga reporter.
Ayon kay Zubiri, plano nilang aprubahan ang MIF bill sa susunod na linggo matapos sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang ito.
“[T]he plan is to approve it by [second and third] reading next week. We are accommodating the last few members who want to interpellate on Monday then we can open the period of amendments immediately after. As a certified measure we can close and approve the bill on that same week,” saad ni Zubiri.
Sakaling i-adopt ng Kamara ang Senate version ng panukala, hindi na kailangan pa ng bicameral conference kung saan ginagawa ang pag-reconcile na hindi mapapagkasunduang probisyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Kapag na-adopt ito, direktang ipapadala ang panukala sa Palasyo para sa approval ni Marcos.
Sinabi naman ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, kontra sa pagpasa ng panukala na mag-i-interpellate ang minority bloc sa MIF bill at maghahayag din ng contra speech bago ang period of amendments. (Dindo Matining)
The post Zubiri umaasang i-a-adopt ng Kamara ang Senate version ng Maharlika fund bill first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento