Dalawang menor de edad ang nalunod habang naliligo sa ilog sa Calamba City nitong Sabado ng hapon.
Ayon sa report ng Calamba city police, dakong alas-4:30 ng hapon ng magkayayaan ang limang bata na maligo sa Ibayo River, sa Brgy. Lamesa, Calamba City.
Subalit sa kalagitnaan ng paliligo, dalawa sa mga ito ang lumubog sa tubig at hindi na lumutang.
Mabilis namang humingi ng tulong ang tatlong kasama ng mga biktima sa mga barangay tanod.
Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Division (LDRRMD) ng Calamba at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection upang masagip ang dalawa.
Subalit kapwa wala ng buhay ng makita ang mga ito kung saan narekober ang katawan ng unang biktima dakong alas-9:15 Sabado ng gabi at dakong alas-12:30 naman ng Linggo ng madaling-araw ng makita ang ikalawang biktima.
Isinailalim sa autopsy ang labi ng dalawa at inaalam ng mga awtoridad kung walang foul play sa pangyayari. (Ylou Dagos)
Related News:
Water sample sa Calamba, nagpositibo sa poliovirus
The post 2 bata sa Calamba, nalunod sa ilog first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento