Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Mayon Volcano ang 299 rockfall events sa nakalipas na 24 oras.

“Alert Level 3 is maintained over Mayon Volcano, which means that it is currently in a relatively high level of unrest as magma is at the crater and hazardous eruption within weeks or even days is possible,” ayon sa PHIVOLCS.

Samantala, 38,989 na katao o 10,112 na pamilya sa 26 barangays sa Bicol ang apektado ng aktibidad ng Mayon Volcano, ito ay ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

18,736 na katao o 5,337 na pamilya naman ang nanunuluyan sa 28 evacuation centers habang 1,413 na katao o 403 na pamilya ang namamalagi sa ibang lugar.

(CS)

See Related Story Here:

Isa pang Mayon evacuee nagpositibo sa COVID-19

19K katao pinalikas sa pag-alburoto ng Mayon

The post 299 rockfall events naitala sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 oras first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT