Abot sa lampas 2,000 katao na ang inilikas sa Albay dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office research head Eugene Escobar, kasalukuyang isinasagawa ang evacuation sa mga pamilya na nakatira sa permanent danger zone.
Abot sa 18,184 katao ang nakatira sa loob ng permanent danger zone.
Tinitingnan naman ng Phivolcs ang posibleng tuluyang pagsabog ng Mayon.
Sa ngayon ay nasa Alert Level 3 na ang bulkan, ngunit patuloy itong mino-monitor ng Phivolcs kung tataas pa ito.
“Kapag nakakita rin tayo ng longer lava flows, frequent pyroclastic density current… kapag mayroon tayong lava fountaining, isa na ‘yan sa indicators na we have to raise it to Alert Level 4,” ayon kay Phivolcs chief Dr. Teresito Bacolcol.
Kapag nakakita naman ng paghupa sa mga parameter na tinitingnan ng Phivolcs ay pwedeng mabalik sa Alert Level 2 ang Mayon. (RP)
See Related Stories Here:
Albay isinailalim sa state of calamity
Alert Level 4 posibleng itaas sa Bulkang Mayon
The post 2K katao nilikas sa pag-alburoto ng Mayon first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento