Sinariwa ng mga mahal sa buhay ni dating Pangulo Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang kanyang mga magagandang alaalang iniwan sa kanyang second anniversary.

Sa misa nitong Sabado, June 24, sinabi ni Kiko Aquino Dee, apo nina Ninoy at dating Pangulo Cory Aquino, sinabi niya na bagama’t mabigat ang pagpanaw ni Noynoy ay nakakakita sila ng comfort dahil batid nilang maraming nagmamahal sa kanilang kapamilya.

Ito’y dahil marami pa rin ang nag-iiwan ng mga snack na favorite ni PNoy sa puntod nito.

“Two years later, there remains a gaping Tito Noy-shaped hole in all of our hearts, but something that has given us in the family some comfort these past two years is this practice that emerged of leaving Tito Noy’s favorite snacks for him here in Manila Memorial,” wika ni Kiko.

“It reminds us that we aren’t alone in missing him.”

Aniya, ang mga snack na iniiwan ng mga nagmamahal kay PNoy ay tanda na kahit imperfect ang dating Pangulo ay nagpursigi ito para maiayos ang bansa.

Wika ni Kiko, maraming nagsasabi na hindi raw ‘perfect president’ si PNoy, pero alam ng maraming Pilipino na naging maayos ang pamamalakad nito bilang Pangulo.

“Maybe Tito Noy was inspiring not because he was martyred for the country or because he defeated a dictator but because he was imperfect,” lahad ni Kiko.

“Among other things, he probably liked Coke and chicharon a bit too much, but despite his imperfections, he spent every day of his working life to move us just a little bit closer to the impossible dream of a perfect nation,” aniya pa. (RP)

See Related Story Here:

Misa isasagawa para sa ika-2 death anniversary ni Noynoy Aquino

The post Apo ni Ninoy: Noynoy nagsilbing inspirasyon sa mga Pinoy first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT